
Hindi dapat sisihin si Sharon Cuneta kung totoo ngang lumayas na siya sa ABS-CBN at ang TV5 na ang bago niyang network na paglilingkuran.
Eh, binalewala raw kasi ng Channel 2 ang loyalty sa kanila ni Shawie, so be it!
Binibigyan man daw si Sharon ng show ng Dos, kulang naman daw ito sa suporta?
Mas pinahahalagahan pa raw nila ang mga baguhang artista porke mura ang bayad sa kanila.
Look what happened to Maricel Soriano and Cesar Montano? Mga loyalist din sila ng ABS pero nilayasan din ang network dahil sa pagpapabaya raw sa kanila.
Hindi na raw talaga pinahalagahan ng Dos ang importansiyang ibinigay sa kanila ng megastar lalo na nu’ng panahong sisinghap-singhap pa lang sila sa TV industry.
Kahit maraming network na gustong kumuha kay Mega, never niyang pinatulan ang offers nito. She opted to stay sa Dos, pero wala rin daw kuwenta ang pag-akyat niya ng pera sa kaban ng yaman ng network!
Ngayong kalat na kalat na ang balitang pumirma na ng kontrata sa TV5 si Sharon, dumating na siya marahil sa puntong sagad na ang pasensiya niya! Kung tutuusin, kaya namang kitain ni Sharon ang P1B offer ng TV5.
Pero sa palagay namin, hindi lang pera ang dahilan ng paglipat niya sa network ni Manny Pangilinan na alam naming malapit din sa kanya.
Malaking factor ang respeto sa kanya bilang artista at tao kaya napapayag ang megastar na lumipat ng network!
***
Tama ang aming hula na si Lovely na protégé ni mentor Jaya ang matatanggal nu’ng elimination night ng Protégé last Sunday. Although may tsansa pa siyang makabalik dahil next Sunday ay maglalaban-laban ang nasibak na protégées, still, minus factor sa kanya ang pagkaka-eliminate niya.
Binago na kasing talaga ang hitsura ni Lovely nang mapanood namin siya. Nawala na ‘yung pagiging novelty niya na probinsyanang kinakantahan ang alagang baboy. Hindi na siya ‘yung probinsyanang unang nadiskubre ni Jaya.
Bet naming manalo si Kenneth. Unique kasi ang dating ng boses. Eh, lalo pa siyang umiingay dahil sa kabaklaan isyu sa kanya.
Bakit, si Kenneth lang ba ang singer na natsitsismis na bading? At least nga siya, vocal sa pagtanggi sa isyu, huh! ‘Yung iba nga, alam agad ang katotohanan dahil action speaks louder than words, ‘di ba?
***
Kahanga-hanga ang husay sa pagsayaw ng anak ni Boots Anson Roa na si Chiqui Roa-Puno na napapanood sa kanyang TV show.
“Nag-formal lessons kasi si Chiqui ng iba’t ibang sayaw. Pete knows how to dance also. Ako, marunung-runong din! Ha! Ha! Ha!” sambit ni Boots sa presscon ng festival movie niya with Eugene Domingo, ang Rain Rain Go Away na isa sa episodes sa Shake, Rattle & Roll 13.Bukod sa paggawa ng SRR 13, napapanood din gabi-gabi si Boots sa Munting Heredera. Palibhasa, kontrabida ni Gloria Romero ang role, nagagalit daw talaga ang manonood sa kanya kapag nakakasalubong siya.
“Natatawa nga ako sa violent reactions ng mga nakakasalubong ko. Galit. Ha! Ha! Ha! Gusto na nila akong patayin! At least, naiba naman ang role ko sa series,” kuwento ni Boots.


0 comments:
Post a Comment