AKTOR INARESTO SA BAGUIO

Written By Admin on Monday, February 27, 2012 | 5:59 AM

By Amihan Sabillo, Abante Tonite

Bumagsak sa kamay ng mga awtoridad sa lungsod ng Baguio ang character actor na si Roi Vinzon sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ng korte laban dito kahapon sa nasabing lungsod.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Spokesperson Chief Supt. Agrimero Cruz Jr., dakong alas-8:30 ng umaga kahapon ng arestuhin si Roi Guzman o mas kilala bilang Roi Vinzon, 52-an­yos, aktor, sa mismong bahay nito sa Baguio City.

Base sa ulat ng pulis­ya, magkakatuwang na nagtungo ang puwersa ng Police Station 10 ng Baguio City Police Station sa bahay ni Vinzon sa naturang lungsod upang iprisinta ang warrant of arrest na ipina­labas ni Judge Maria Clarita Casuga Tubin ng Metropolitan Trial Court Branch 4 ng First Judicial Region sa nasabing siyudad.

Ang nasabing warrant of arrest ay inisyu laban kay Vinzon dahil sa paglabag nito sa Chattel Mortgage o ari-ariang naka-loan.

Gayunman, agad na naglagak si Vinzon ng P10,000 sa korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Samantala, nang tangkaing kunan ng pahayag ang aktor kaugnay sa kinasasangkutang kaso ay nabigo itong makontak ng TONITE.

0 comments:

Post a Comment